Tuesday, August 7, 2018

Buwan Ng Wika "Filipino; Wika ng Saliksik"


     Ang wika ng ating bansa ay ang wikang Filipino na kung saan ang pagkakaroon ng pambansang wika ay simbolo ng pagkaunlad. Nakakatulong ang wika para tayo ay mag isa't isa. Ipinagdiriwang tuwing Agosto ang Buwan ng Wika upang palawakin ang kaalaman ng mga tao tungukol sa ating wika na Filipino.
           
         Ang tema ngayong Buwan ng wika ay "Filipino; Wika ng Saliksik" na kung saan, ang wikang Filipino kinikilala bilang isang midyum ng paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Ang pananaliksik ay ang paghahanap. Ayon sa nabasa kong artikulo, layunin ng Komisyon sa Wikang Filipino o KWF na gamitin ang wikang Filipino sa pagdaragdag ng ating mga kaalaman. Nais nila na habang lumalawak ang ating kaalaman sa iba't ibang larangan ay lumalago rin ang wikang Filipino.

      Dapat patuloy nating gamitin at tangkilin ang wikang Filipino. Sa pamamagitan ng simpleng pananalita sa ating wika at pagdalo sa iba't ibang mga gawain sa paaralan o komunidad. Lagi nating tatandaan na ang wika ang nagsisilbing kaluluwa ng bansa at salamin ng mga mamamayan nito. Tayong mga Pilipino ay mapagmalaki, dapat nating ipagmalaki ang ating wika.

7 comments: